PASABOG kaagad ang itinalang 18.2% ratings ng premiere episode ng Pusong Ligaw nitong nakaraang Lunes kumpara sa 11.5% ng katapat na programa at nitong Martes ay 18.1% versus 12% ayon sa Kantar National. Marami ang nag-abang sa kuwento at nagustuhan dahil mabilis daw ang pacing.

Maging ang The Better Half ay hindi rin nagpahuli dahil nagtala naman ito ng 17.9% kumpara sa katapat nitong programa sa GMA 7 na umabot sa 9.7%.

Tuwang-tuwa ang mga artistang kasama sa Pusong Ligaw at The Better Half dahil kahit nawala na ang inabang-abangang The Greatest Love tuwing hapon ay hindi pa rin bumitaw ang televiewers sa Kapamilya Gold.

Kadalasan kasi kapag nagtapos na ang programang pinakaabangan ng televiewers ay naglilipat na sila ng channel, pero hindi nangyari at pruweba ang mataas na ratings ng dalawang programang napapanood pagkatapos ng It’s Showtime.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, nakahinga na ng maluwag si Beauty Gonzales ngayong tinangkilik ang Pusong Ligaw. Ito ang kaba niya noong grand presscon, baka raw hindi tangkilikin kasi nga halos lahat ng mga artistang kasama niya sa teleserye ay matagal nawala o nagbakasyon tulad nina Bianca King, Raymond Bagatsing, Joem Bascon at baguhang sina Enzo Pineda, Sofia Andres at Diego Loyzaga.

Maging ang mga bida ng The Better Half na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel ay kinabahan din kasi nga sila ang ipinalit sa timeslot ng The Greatest Love at natakot na baka hindi nila ma-maintain ang ratings ng programa ni Sylvia Sanchez na sa simula pa lang ay mataas na hanggang sa nagtapos. (REGGEE BONOAN)