SEOUL (AFP) – Binalewala ng Seoul kahapon ang suhestiyon ni U.S. President Donald Trump na dapat nitong bayaran ang $1 billion missile defence system na itinatayo ng magkaalyado sa South Korea para bantayan ang anumang banta mula sa North.

Sinabi ng mga opisyal ng U.S. na ''within days'' ay gagana na ang Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system na ikinakabit sa isang dating golf course.

''I informed South Korea it would be appropriate if they paid. It's a billion-dollar system,'' sinabi ni Trump sa Reuters. ''It's phenomenal, shoots missiles right out of the sky.''

Sumagot ang Seoul na sa ilalim ng Status of Forces Agreement na namamahala sa presensiya ng US military sa bansa, ang South ang magkakaloob ng lugar at imprastruktura na paglalagyan ng THAAD habang ang U.S. ang magbabayad sa pagkakabit at pagpapatakbo rito.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

''There is no change to this basic position,'' sinabi ng defence ministry ng South Korea sa isang pahayag.