WASHINGTON (AFP) – Sumadsad ang press freedom sa mundo sa loob ng 13-taon, sinabi ng isang watchdog kahapon.

Sa survey ng Freedom House, isang US-based human rights organization, binigyang-diin ang tumitinding pangamba sa pagsisikap ng mga pamahalaan sa buong mundo na patahimikin ang media at ang mga aktibista.

''Political leaders and other partisan forces in many democracies -- including the United States, Poland, the Philippines, and South Africa -- attacked the credibility of independent media and fact-based journalism, rejecting the traditional watchdog role of the press in free societies,'' pahayag ni Jennifer Dunham, namumuno sa pananaliksik.

Sa pag-aaral sa 199 na bansa noong nakaraang taon, natuklasan ng grupo na 13 porsiyento lamang ng populasyon ng mundo ang nagtatamasa ng ''free press'' na masigla ang coverage sa political news, garantisado ang kaligtasan ng mga mamamahayag, hindi gaanong nakikialam ang estado sa gawain ng media, at hindi isinasailalim sa mabigat na legal o economic pressure ang press.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024

Nasa 42 porsiyento naman ng populasyon ng mundo ang mayroong ''partly free'' press at 45 porsiyento ang naninirahan sa mga bansa na ''not free'' ang media environment, ayon sa grupo.