SA wakas, pagkaraan ng halos 20 taon, ay makakamit na rin ng mga retiradong sundalo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang hustisya laban sa mga taong nagsamantala sa milyun-milyon nilang kontribusyon sa AFP-Retirement and Separation Benefits System (RSBS), matapos tanggihan ng Sandiganbayan ang apela ng mga dating opisyal ng RSBS na nahatulan nitong nakaraang taon ng “complex crime of malversation through falsification.”

Sa isang 13-pahinang resolusyon na ipinalabas ng Special Second Division ng Sandiganbayan, kinatigan nito ang hatol na “guilty” at pagkakakulong ng mula 14 hanggang 20 taon, para sa dalawang opisyal ng RSBS na pinamumunuan ng retiradong heneral na si Jose S. Ramiscal, Jr.

Ang mga akusado ay inutusan din ng hukuman na bayaran ang pamahalaan ng P250.31 milyong na katumbas ng halagang ikinalugi ng pamahalaan sa palpak na transaksiyong ipinasok nila sa RSBS.

Magandang balita sana ito para sa mga retiradong militar na miyembro noon ng RSBS na nadismaya nang magdeklara ng “bankruptcy” ang AFP noong Disyembre 31, 2006 dahil sa problema ng RSBS sa mabilis na pagkaubos ng FUNDS nito na nagagamit sa mga ‘di naman kumikitang negosyo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang RSBS ay itinatag sa pamamagitan ng Presidential Decree 361 noong 1973, para mangasiwa sa “retirement and pension funds” – ibinabawas ang 5% sa kanilang buwanang suweldo – ng mga sundalong nasa aktibong serbisyo pa.

Kapalit nito ay ang mga pribelehiyong maaari silang makautang na maliit lamang ang tubo at ang siguradong pension nila kapag nagretiro na sila sa serbisyo. Ngunit maraming sundalo ang ‘di nakatikim ng kita ng kanilang kontribusyon sa RSBS. Halos mauubos daw kasi ang funding ng RSBS dahil sa mga maanomalyang negosyong pinasok nito na pinagkakakitaan ng mga tiwaling opisyal at isa rito ang kasong ito nina Ramiscal.

Ang mga kasama ni Ramiscal na nahatulan din ay sina Julian Alzaga, pinuno ng AFP-RSBS legal department; Manuel Satuito, documentation department head; at mga tauhan ng Concord Resources Inc. na sina Elizabeth Liang at Jesus Garcia, ang korporasyon na unang bumili sa mga lupain sa mababang halaga at ipinasa naman agad sa RSBS sa napakataas na presyo.

Pinalabas kasi ng grupo ni Ramiscal na ang RSBS ay nagbayad ng P341.34 milyon para sa apat na... loteng binili nito sa Barrio Makiling, Calamba City, Laguna noong 1996 at ang mga kasulatan ng pagbili ay isinama sa mga dokumentong nakatago sa kailang opisina. Nang mahalungkat ang mga kasulatan, natuklasan na ang binayarang lupain ay may kabuuang halaga lamang na P91.02 milyon, kaya lumalabas na pinagtubuan nila ang RSBS ng P250 milyon.

Sa kanilang apelang tinanggihan ng Sandiganbayan, ipinipilit nila Ramiscal na “no clear and convincing evidence of conspiracy” sa naturang bilihan at normal daw ito kaya naaprubahan agad. Wala rin daw sa hurisdiksiyon ng Sandiganbayan ang kasong ito dahil ang RSBS ay isang pribadong opisina na pinapatakbo lamang ng mga aktibong opisyal ng AFP.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: [email protected] (Dave M. Veridiano, E.E.)