CAMP DANGWA, Benguet - Nabulabog ang isang concert for a cause nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril at tinamaan ng ligaw na bala ang isang estudyante, na ikinamatay nito, sa bayan ng Lagawe sa Ifugao.

Ayon kay Supt. Carol Lacuata, information officer ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, nakilala ang biktimang si Ethan Ryo Anselmo Sia, 14, ng Barangay Poblacion North, Lagawe, samantalang ang suspek ay si Michael Liobon Dinamling, 45, miyembro ng Public Order and Safety Committee ng munisipyo.

Batay sa imbestigasyon, nasa kainitan ang concert for a cause, dakong 10:20 ng gabi sa Lagawe Central School nitong Abril 26 nang biglang may pumutok na baril.

Biglang napaupo sa gilid ng bleacher ang duguang binatilyo na dead on arrival sa ospital dahil sa tinamong bala sa kanang bahagi ng ulo.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Kaagad namang naaresto ang suspek, na hindi pa malinaw ang dahilan sa pagpapaputok ng baril. (Rizaldy Comanda)