May 444 undocumented overseas Filipino workers (OFW), kasama ang mga bata, ang nabigyan ng exit visa sa ilalim ng amnesty program ng gobyerno ng Saudi Arabia sa tulong ng Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah.

May 104 OFW naman ang nabigyan ng tiket sa eroplano para makauwi sa Pilipinas.

Halos 3,500 undocumented OFW na kumuha ng amnestiya ang humingi ng tulong sa Konsulado para maisaayos ang kanilang mga dokumento.

“I would like to reiterate our call to our kababayans who are undocumented in the Kingdom to avail themselves of the golden opportunity to go home to the Philippines,” pahayag ni Consul General Imelda Panolong. - Bella Gamotea

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya