PORTLAND, Oregon (AP) — Tatangkain ng Golden State Warriors na makumpleto ang dominasyon sa Trailblazer –kahit wala sa bench si Steve Kerr.

Sumasailalim sa pagsusuri si Kerr bunsod ng sintomas ng kumplikasyon sa kanyang surgery sa likod. Nanatili siya sa hotel sa game 3 ng serye.

Sa pangangasiwa ni assistant coach Mike Brown, nagawang makabangon ng Warriors sa 17 puntos na paghahabol sa first-half para sa 119-113 panalo at 3-0 bentahe sa first-round series.

Target ng Golden State na walisin ang Portland sa Lunes (Martes sa Manila).

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“This is something I’ve been dealing with, but doing OK. Ups and downs but consistently coaching. This past week for whatever reason, things got worse. My symptoms got worse,” pahayag ni Kerr sa panayam ng media.

“This is not going to be a case where I’m coaching one night and not coaching the next. I’m not going to do that to our team or our staff. We’re hoping that over the next week or two, whatever it is, I can sort of make a definitive realization or deduction, or just feel it that I’m going to do this or I’m not,” aniya.

Wala ring katiyakan kung palalaruin ng Warriors si Kevin Durant na nagtamo ng ‘strained left calf’. Wala rin ang mga injured na sina Matt Barnes (right ankle/foot sprain), at Shaun Livingston (right index finger sprain).