Mas titindi ang init ng panahon sa Mayo, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, hindi pa umaabot sa sukdulan ang tag-araw at sa Mayo mararanasan ang pinakamainit na temperatura sa bansa.

Naitala ang 38 degrees Celsius na temperatura sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong nakaraang linggo, at inaasahang papalo pa ito sa 40 degrees Celsius sa susunod na buwan.

Sa rekord ng PAGASA, naramdaman ang pinakamainit na temperatura sa Angeles City, Pampanga nang maitala ang 38.4 degrees Celsius nitong Abril 21. (Rommel P. Tabbad)

Teleserye

Buwayang 'daks' na may abs, naispatang pagala-gala sa footbridge