SA presscon cum screening ng isa sa mga obra ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza na Pagtatapos namin nahingan ng reaksiyon ang kasalukuyang TV5 President & CEO na si Chot Reyes hinggil sa pagre-resign ni Erwin Tulfo sa primetime newscast ng nasabing istasyon. 

Mabilis na sagot ni Coach Chot, tuluy-tuloy pa ang komunikasyon nila ni Erwin. 

“Ang masasabi ko lang, eh, it was something that was mutually agreed upon. And I think he’s decided to pursue other endeavors,” paliwanag ng TV5 top exec. 

Ayon pa kay Coach Chot, tuluy-tuloy pa rin naman si Erwin sa programa nito sa radio, ang Punto Asintado kaya sa TV lang daw ito nawala. 

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I guess it’s all part of what’s happening within the station now, the evolution, the changes that are happening.

And, you know, like I said, we always had the opportunity naman to talk to Erwin,” lahad pa ng boss ng Singko. 

Wala naman daw silang problema kay Erwin, dahil maayos ang paghihiwalay nila at walang samaan ng loob sa kanilang dalawa. 

“Wala naman kaming masamang pinag-ano... na hindi pinagkakaunawaan,” sey pa ni Coach Chot. 

Bukas pa rin naman daw ang TV5 para kay Erwin Tulfo. 

“We will always remain open siyempre. For now, I just wish him well,” sey pa ni Sir Chot. (Jimi Escala)