PINABAGSAK ng Ateneo Blue Eagles ang Batang Gilas National Under 16 national men’s team, 84-77, nitong Huwebes sa pagsisimula ng 23nd Fr. Martin Cup Summer Basketball tournament.

Hataw si transferee William Navarro sa naiskor na 20 puntos para sa Blue Eagles, nangunguna sa Group A sa dinagsang laro sa St. Placid gymnasium ng San Beda College-Manila campus.

Ginapi naman ng Enderun College Lady Titans, sa pangunguna ni Ella Rodriguez, laban sa University of Santo Tomas, 68-66, sa women’s contest.

Naisalpak ni Rodriguez ang drive at split charity sa huling 6.1 segundo para sa panalo ng Lady Titans.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Samantala, nangunga si RC Calimag sa Batang Gilas na may 20 puntos.

Kabuuang 35 koponan ang sumabak sa men’s, women’s at junior division ng 23rd Martin Cup Summer Basketball Tournament.

Nanguna sa listahan ang defending champion Arellano University Chiefs, University of the East Lady Warriors at NU Bullpups .

Target ng Chiefs na mapanatili ang korona sa kanilang division na nilahukan ng 12 koponan.

Kasama rin sa senior division ang eigning collegiate champions La Salle at San Beda, Emilio Aguinaldo College, NU, Letran, Centro Escolar University-A and CEU-B, Philippine Merchant Marine School at College of St. Benilde.