LOS ANGELES (AP) – Pinatawan ng isang taong suspensiyon si Olympic champion hurdler Brianna Rollins ng United States bunsod nang kabiguan na maipaalam ang kanyang kinaroroonan sa anti-doping officials.

Nagsimula ang suspension sa Sept. 27, 2016, ang huling araw na nagmintis siya para maipaalam kung saan siya mapupuntahan.

Hindi naman binawi ang gintong medalya na napagwagihan niya sa 100-meter hurdlers sa Rio Games sa nakalipas na taon.

Kinokonsidera ng U.S. Anti-Doping Agency at iba pang governing bodies sa sports ang out-of-competition testing para mapanatiling malinis ang record ng mga atleta bago sumabak sa kompetisyon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sumailalim sa doping test si Rollins sa walong kompetisyon na nilahukan sa nakalipas na taon at pawang nag-negatibo ang result, ayon sa kanyang legal counsel.

Dahil sa suspensiyon, hindi siya makalalaro sa outdoor season, kabilang ang world championships.

“I accept full responsibility for the mistakes that have led to my suspension, and am disappointed that I will have to miss this coming outdoor season, as a result of my confusion over how the whereabouts program worked,” pahayag ni Rollins sa media statement.