GENERAL SANTOS CITY – Naghain ang pulisya ng kasong murder nitong Biyernes laban sa isang retiradong sundalo ng Philippine Army na bumaril at nakapatay sa nakababata niyang kapatid na lalaki sa Santo Niño, South Cotabato.

Ayon kay Chief Insp. Richel Cabuslay, hepe ng Santo Niño Police, kinasuhan na ng murder si Edgar Benal, 61, makaraang sumuko matapos barilin at mapatay ang kapatid nitong si Eden Benal, 54, kasunod ng matindi nilang pagtatalo nitong Huwebes.

Batay sa report, gamit ang kanyang .45 caliber pistol ay binaril ni Edgar ang kapatid matapos nilang pagtalunan ang pagrereklamo ni Eden sa barangay dahil sa pinaghahatian nilang supply ng tubig. (Joseph Jubelag)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog