BAMBAN, Tarlac – Apat na katao ang nasugatan makaraang magkarambola sa highway ang isang motorsiklo at dalawang tricycle sa Sitio Panaisan, Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni PO3 July Baluyut ang mga biktimang sina Marvin Reyes, 16, driver ng Rusi motorized tricycle, residente ng Bgy. San Nicolas; Arnulfo Mendoza, driver ng Mitsukoshi Sym Wolf motorcycle; Eric John Culala Patawaran, 16, angkas ni Mendoza; at Kevin Musa Macalus, 14, driver ng Skygo motorized tricycle, at taga-Bgy. San Nicolas, Bamban. Pawang walang driver’s license ang tatlong driver. (Leandro Alborote)
Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga