PAGUDPUD, Ilocos Norte – Bangkay na nang matagpuan ng awtoridad ang isang lalaking dating overseas Filipino worker (OFW) sa palayan sa Barangay Lalauanan sa Tumauini, Isabela.

Ayon sa tinanggap na report kahapon mula kay Supt. Manuel Bringas, hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Branch ng Isabela Police Provincial Office, ang biktima ay isang Domingo Guzman, 59, dating OFW, at taga-Bayabo East sa Tumauini.

Nauna rito, nakipagtalo si Guzman sa kanyang misis na nauwi sa pananaksak niya sa huli bago ito nagmamadaling tumakas bitbit ang hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nabatid kahapon sa police report na pinag-awayan ng mag-asawa ang umano’y pakikipag-chat ng biktima. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog