Patay na nang madala sa pagamutan ang isang 36-anyos na lalaki, na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, makaraan siyang barilin ng pulis na tinutukan niya ng baril-barilan sa Barangay 2, Remedios T. Romualdez (RTR), Agusan del Norte, kahapon ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon ng RTR Municipal Police, mismong si PO2 Glenn Villana ang nagsugod sa ospital sa binaril nitong si Jonathan Villarta, 36, binata, ng Purok 3, Barangay 2, sa bayan ng RTR.

Ayon sa pagsisiyasat, dakong 1:00 ng umaga nang makita umano ni Villana ang paglalaro ni Villarta ng baril-barilan sa loob ng palengke hanggang tutukan nito ang pulis, na binaril ng huli sa paa.

Hindi kaagad na nadala sa ospital ang biktima kaya naman maraming dugo ang nawala rito.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sumuko si Villana sa kanyang hepe at nakatakdang kasuhan ng homicide. (Fer Taboy)