PANIQUI, Tarlac – Aabot sa malaking halaga ang 11 case ng beer na tinangay ng mga nagpanggap na kustomer ng isang supermarket sa Barangay Poblacion Norte sa Paniqui, Tarlac.

Ayon kay PO1 Mark Anthony Garcia, 11 case ng Red Horse at San Mig Light ang natangay mula sa Tanhok Supermart ni Jim Tan, 47, ng nasabing barangay.

Dakong 4:45 ng hapon nitong Martes nang isang hindi kilalang lalaki, na nagsabing siya ang may-ari ng Bongatos Canteen, ang nag-order ng 11 case ng beer na ibababa sa tapat ng Montessori School.

Sinabi ng suspek sa nag-deliver na helper na si Roy Navarete, 19, ng Bgy. Abogado, na kuhanin ang bayad sa Bongatos Canteen—na tumanggi namang umorder ito ng beer. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog