CARACAS (AFP) – Nangako ang mga nagpoprotesta laban sa gobyerno ng Venezuela na tuloy ang kanilang malaking protesta sa Huwebes (Biyernes sa Pilipinas) at palalakasin pa ang panawagang bumaba sa puwesto si President Nicolas Maduro, isang araw matapos ang madudugong sagupaan sa bansa.

‘’Today there were millions of us,’’ sabi ni senior opposition leader Henrique Capriles sa isang news conference, nitong Miyerkules ng gabi. ‘’Tomorrow even more of us have to come out.’’

Isang 17-anyos na lalaki at isang 23-anyos na babae ang namatay matapos barilin sa malawakang protesta nitong Miyerkules. Isang sundalo rin ang pinatay sa labas ng Caracas.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024