NANGAKO si 2012 Aussie Olympian Jeff Horn na tutularan si dating world champion Juan Manuel Marquez na ginamit ang kanang kamao para mapatulog ang hahamuning si WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Maghaharap sina Pacquiao at Horn sa Suncorp Stadium na inaasahang dadagsain ng 55,000 boxing fans na karamihang pabor kay Horn kaya nirerepaso ng Aussie boxer ang ‘tape’ sa panalo ni Marquez kay Pacquiao noong 2012.

“Every time he throws a punch it gives me an opportunity,’’ sabi ni Horn sa Fox Sports Australia. “Every time he attacks there’s the chance for me to punch through the opening.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“Marquez stopped Pacquiao with a big shot and I’ve got a very good right hand. But I’m not just planning my strategy around landing one good right hand,” dagdag ni Horn. “I watched Pacquiao’s last fight with Jessie Vargas. I’ll move a lot more than Vargas did and give Pacquiao different angles the same way he did against Vargas. I’m hoping to catch him off balance every time he lunges in.”

May rekord si Horn na 16-0-1 na may 11 panalo sa knockout kumpara kay Pacquiao na may kartadang 59-6-2, tampok ang 38 panalo sa knockout. (Gilbert Espeña0