KINUHA ng baguhang koponang Creamline ang serbisyo ng American import na si Laura Schaudt at Thai import Kuttika Kaewpin para sa kanilang pagsabak sa darating na Premier Volleyball League Reinforced Conference na magsisimula sa Abril 30 sa San Juan Arena.

Ito ang ikalawang tour of duty sa bansa para sa 6-foot-5 na si Schaudt na produkto ng Oregon State University matapos maglaro sa Superliga noong isang taon kasunod ng kanyang limang taong stint sa US NCAA women's volleyball tournament Sweet 16 noong 2014.

"She will be a big addition to our team and we hope we'll do good this coming PVL conference," ayon kay Creamline team manager Sherwin Malonzo.

Makakatulong niya si Kaewpin, isang high-leaping spiker na maaasahan din sa depensa at dating kakampi ng kanilang star player na si Alyssa Valdez sa koponan ng 3BB Nakornont sa Thai League.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Maliban kay Valdez, ang iba pang local sa roster ng Cool Smashers na nakatakdang gabayan ni Ateneo coach Tai Bundit ay sina Coleen Bravo, Francesca Racraquin, Pau Soriano, Joyce Palad, Ivy Remulla, Aerieal Patnongon, Janet Serafica, at Jamela. (Marivic Awitan)