TACURONG CITY – Patay ang isang motorcycle rider habang naputulan naman ng paa ang isa pa matapos silang masalpok ng truck sa magkahiwalay na aksidente sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Semana Santa.

Pasado 10:00 ng umaga nitong Huwebes nang mabangga ng isang commuter van ang motorsiklong sinasakyan ni Joehart Dalgan y Utto, nasa hustong gulang, may asawa, na kanyang ikinamatay, habang sugatan naman ang angkas niyang si Mustapha Silongan y Sabal, 31, kapwa taga-Rajah Buayan, Maguindanao.

Naaresto ang driver ng van na si John Kadage Lumambas y Garcia, 19, binata, estudyante, ng Tacurong City.

Samantala, naputulan ng kaliwang paa si Diomel Pingoy y Sayson, residente ng Isulan, matapos na mabangga ang motorsiklo nito ng Fuzo wing van truck (MWD-198) na minamaneho ni Mark Anthony Padilla y Aprosta, sa Roundball sa Tacurong City. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog