ALAMINOS CITY, Pangasinan - Anim sa 13 pasahero ng bangkang MBCA Allan-7 ang nagtamo ng mga sugat at paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan makaraang magliyab ang sinasakyan nilang bangka habang patungo sa Hundred Island National Park.

Ayon sa report ng Alaminos City Police, dakong 7:20 ng gabi nitong Linggo nangyari ang insidente sa karagatang sakop ng Sitio Inansuana sa Barangay Lucap, Alaminos City.

Batay sa report, sakay ang 13 pasahero sa MBCA Allan-7 na ino-operate ni Arnold Aglibot nang biglang nag-overheat ang makina nito na naging dahilan para magliyab ang galon ng gasolina na nasa bangka.

Dahil dito, nagliyab ang bangka habang naglalayag patungong Hundred Island National Park.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Nabatid na nailagay ng anak ng boat man ang galon ng gasolina sa tabi ng makina kaya nag-init ang huli hanggang sa magliyab.

Mapalad naman na kaagad narespondehan ang insidente ng isang motorboat na malapit sa bangka ni Aglibot.

(Liezle Basa Iñigo)