Naging mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng Semana Santa sa Metro Manila, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi kahapon ni NCRPO Regional Director Oscar Albayalde na batay sa mga ulat ng lahat ng police district sa Kalakhang Maynila, walang naitalang anumang krimen o insidente partikular sa mga simbahan na dinagsa ng mga deboto at nag-Visita Iglesia nitong Mahal na Araw.

Naka-full alert status ang NCRPO laban sa banta ng terorismo. May 12,500 unipormadong pulis ang ipinakalat at pinaigting ang presensiya at pagpapatrulya ng pulisya sa mga paliparan, pantalan at bus terminal upang siguruhin ang kaligtasan ng mga pasaherong umuwi sa mga probinsiya at magbabalik sa Maynila pagkatapos ng Semana Santa. (Bella Gamotea)

Teleserye

Jodi Sta. Maria, inaming 'di siya ang first choice sa 'Be Careful with my Heart'