ISTANBUL (AP) – Binuksan kahapon ang makasaysayang referendum sa mga reporma sa Turkey para ilipat ang kapangyraihan sa kamay ng pangulo ng bansa.

Ang 18 constitutional changes ay babaguhin ang sistema ng pamahalaan sa Turkey mula parliamentary sa presidential, at buburahin ang opisina ng prime minister.

Sinabi ni President Recep Tayyip Erdogan, na nagpatawag ng referendum at ikinampanya ang botong “yes”, na titiyakin ng panukalang “Turkish style” presidential system na hindi na magkakaroon ng mahinang gobyerno ang bansa.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina