Nanaig ang Lyceum of the Philippines University kontra kapwa NCAA team na Jose Rizal University, 78-74, upang maangkin ang katatapos na Milcu Got Skills Hard To Guard 25-under title na idinaos sa Enderun Colleges Gym sa Taguig.

Nagtala ang bagong recruit na si CJ Perez ng 16 puntos at 7 rebounds upang pamunuan ang Pirates sa pag-angkin ng titulo kasunod ng kanilang runner-up finish sa Ateneo sa Elite Showcase conference ng liga noong isang taon.

Ayon kay Lyceum coach Topex Robinson, malaking tulong ang nasabing panalo upang tumaas ang morale ng Pirates na naghahanda para sa darating na NCAA Season 93 na magbubukas sa Hunyo.

“Hopefully, we can compete against the San Bedas and the Arellanos. We want to create a habit of winning,” pahayag ni Robinson sa panayam dito ng Spin.ph.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nanguna naman para sa panig ng Heavy Bombers si Jed Mendoza na may game-high 18 puntos at 7 ring rebounds.