MARRAKECH, Morocco (AP) — May pagkakataon si Borna Coric ng Croatia sa kampeonato ng Grand Prix Hassan II sa ikalawang sunod na taon sa pakikipagtuos kay third-seeded Philipp Kohlschreiber ng Germany.

Umusad ang 20-anyos na si Coric, natalo rito kay Federico Delbonis sa nakalipas na taon, nang biguin si Czech player Jiri Vesely 6-4, 6-4 sa semifinals nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Namayani naman si Kohlschreiber kay Frenchman Benoit Paire 6-2, 6-2.

Tangan ni Kohlschreiber ang 2-0 bentahe sa heads-up duel kay Coric.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA