Pinagtibay ng Sandiganbayan 5th Division ang nauna nitong desisyon na pawalang-sala si Capoocan, Leyte Mayor Federico Carolino, Sr. at ang kapwa akusado nito sa kasong graft kaugnay ng pagbili ng mga dump truck para sa munisipalidad.

Kasama sina Bids and Awards Committee (BAC) members Pio Antonio Borrel, Macario Merelos, Frumencio Juntilla, at Jesalie Loteyro, kinasuhan si Carolina gayundin ang mga opisyal ng CAMEC na sina Manuel Poblico at Jovelito Monesit matapos na magpakita ng bias nang bumili ng dalawang dump truck na nagkakahalaga ng P5,300,000 mula sa mga ito noong Setyembre 22-Disyembre 19, 2008 nang hindi tumutupad sa mga probisyon ng Government Procurement Reform Act.

Ngunit noong Enero 19, 2017, pinawalang-sala sila ng korte dahil sa pagkakabalam ng resolusyon sa kaso laban sa kanila. (Czarina Nicole O. Ong)

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya