PYONGYANG/SEOUL (Reuters) — Idinisplay kahapon ng North Korea ang bago nitong submarine-based missiles sa pagdiriwang ng ika-105 kaarawan ng kanilang ama, si Kim Il Sung, bilang aksiyon sa nakaambang pagsugod ng nuclear-powered U.S. aircraft carrier.

Lumalabas na ang mga missile ang pangunahing tema ng malawakang parada na dinaluhan ng apo ni Kim, si Kim Jong Un, sinamantala na batiin ang commander ng Strategic Forces, ang namamahala sa missile arsenal.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na