NEW YORK CITY is the “City That Never Sleeps” kaya sinamantala na nina Alden Richards at Maine Mendoza na mag-midnight-date last April 12, pagkatapos ng kanilang “Kalyeserye sa New York” sa Kings Theater sa Brooklyn.

Nasa caption sa Twitter post ni leyah­_q na pinayagan ni Nanay Dub, mom ni Maine at kasama niya sa trip, na mag-date ang dalawa at sa video niya, nakitang 2:00 AM na ng April 13. Kita rin sa video na maraming fans na gustong magpa-picture sa dalawa, pero mukhang nahiyang lumapit ang mga ito at hinayaan na lamang nilang maglakad sina Alden at Maine.  

Maging ang grupo ni Leyah ay inirespeto rin ang privacy ng dalawa, para raw magkaroon ng quality time, kaya hindi na sila sumunod.

Nag-post na lang sila ng dalawang video habang naglalakad ang dalawa na nakatalikod at isang frontal shot na all smiles at happy sina Alden at Maine.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nag-post din si Maine sa Twitter, after their date ni Alden ng, “What a night. Good night, Dr. Jays.”

Ginawan ito ng istorya ng fans, na si Dr. Jays daw ay si Alden din, na another name daw nito ang Jay. Pero mayroon talagang department store sa Brooklyn na Dr. Jay’s na nabibilhan ng shoes, jeans, tops at dresses. Parehong mahilig sa shoes sina Alden at Maine, kaya hindi kataka-taka kung nag-shopping sila roon.

Ayon sa fans, ang mahalaga raw ay nag-enjoy ang phenomenal love team sa short stay nila sa New York.  

Malalaman din naman ng AlDub Nation kung saan pa sila nakapasyal sa New York, like sa Empire State Building, sa pamosong Serendipity restaurant (na may post ang manager nilang si Rams David), bago sila bumalik ng Pilipinas, and back to work agad dahil sa taping ng Destined To Be Yours. 

Nakaabang na rin ang fans sa pagsisimula ng shooting ng bagong movie nina Alden at Maine by June 2017. At more shoot ng TVCs para sa endorsements nila. (NORA CALDERON)