Nag-isyu ng Lenten Rerouting Scheme ang Department of Tourism (DoT) sa Intramuros, Maynila, sa inaasahang pagdagsa ng mga mananampalataya sa tinaguriang Walled City para dito gunitain ang Mahal na Araw.

Inatasan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo si Intramuros Administrator (IA) Atty. Guiller Asido na panatiliing maayos ang daloy ng mga sasakyan. “The DoT assures the public that Intramuros will be more than ready to welcome everyone during the Holy Week regardless of their denomination,” anang Kalihim.

Magsisimula ang traffic rerouting ng 6:00 ng umaga ng Huwebes Santo, Abril 13, hanggang sa hatinggabi ng Sabado de Gloria, Abril 15.

Isasara sa mga motorista ang General Luna Street mula Postigo Street hanggang sa Sta. Potenciana Street. Maaaring gamiting alternatibong daan ang Cabildo, Magallanes Drive, Muralla at Andres Soriano.

Teleserye

Kamukha ni Chucky? Lena, pang-Halloween pagmumukha

Maaaring magparada ng sasakyan sa isang bahagi ng Andres Soriano Avenue, Magallanes Drive, Sto. Tomas, Beaterio, Anda, Real, Sta. Potenciana, Arzobispo, Solana, at Sta. Lucia Streets. May paradahan din sa Maestranza, Fort Santiago, at Postigo habang ang mga bus ay maaaring humimpil sa Bonifacio Drive. (Mary Ann Santiago)