NAPAPANAHONG mga pelikula tungkol sa pamilya, sakripisyo, at tibay ng pananampalataya ang handog ng ABS-CBN ngayong Holy Week sa Super Kapamilya Box Office (KBO) na mapapanood simula Huwebes hanggang Linggo.

Unang pagkakataon na apat na araw eere ang mga pelikulang handog ng Super KBO para bigyan ng espesyal na paggunita ng Holy Week ang bawat pamilya.

Matutunghayan sa Holy Week special ang Ang Babaeng Humayo starring Charo Santos-Concio bilang si Horacia, isang babaeng nakulong sa loob ng 30 taon dahil sa kasalanang hindi niya ginawa. Nang makalabas sa kulungan, paghihiganti ang hangad niya sa dating kasintahan na ugat ng kanyang pagkakabilanggo.

Samantala, pagmamahal at tibay ng pananalig sa Diyos naman ang tampok ng religious-family drama na Sa ’Yo Lamang na kapatawaran ang ituturo sa bawat manonood. Bida rito sina Coco Martin, Bea Alonzo, Lorna Tolentino, at Christopher de Leon.

Skincare brand, pinuri dahil 'di niligwak si Maris

Mapapanood din ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz na umiikot sa isang pamilyang nalubog sa utang dahil sa Ponzi scheme. Bilang padre de pamilya, kinakailangan ni Edgar (John Lloyd) na ipagtanggol ang kanyang nag-iisang anak laban sa masasamang taong gustong maghiganti sa kanila.

Kahalagahan naman ng sakripisyo para sa pamilya ang ipapakita ng Padre de Familia na ang karakter ni Coco Martin ay kinakailangang maging breadwinner para itaguyod ang kanyang ina (Nora Aunor) at mga kapatid nang biglang mawala ang kanilang ama.

Mapapanood din ang digitally restored classic na Kakabakaba Ka Ba? na sumasalamin sa estado ng ekonomiya at lipunan ng Pilipinas na kontrolado ng mga tao at bansang may makasariling pakinabang. Bida rito sina Charo Santos-Concio, Christopher de Leon, Jay Ilagan, at Sandy Andolong.

Ipapalabas din sa Super KBO ang Hollywood family drama na Reservation Road at The Tree of Life.

Available ang Super KBO sa ABS-CBN TVplus at ABS-CBNmobile subscribers sa halagang P99. Para mag-register, i-text ang SUPERKBO99 APR15 to 2131 gamit ang ABS-CBNmobile. Para i-stream ang mga pelikula online, pumunta lamang sa abscbnmobile.com/kbo.

Ang ABS-CBN TVplus signal coverage ay abot sa Metro Cebu, Cagayan de Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, and Cavite. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa tvplus.abs-cbn.com at abscbnmobile.com.