HIWALAY na sina Janet Jackson at Wissam Al Mana.

Iniulat ng Page Six na nakipaghiwalay na ang legendary singer at pinakabatang kapatid ng yumaong pop superstar na si Michael Jackson, sa kanyang asawa. Bagamat sinabi ng isang source na naging maayos ang hiwalayan ng dalawa, may isa pang source na nagsasabing naramdaman ni Janet na naging controlling si Al Mana habang ipinagbubuntis niya ang kanilang anak.

Ikinasal sa isang tahimik at pribadong seremonya si Jackson, na dating kasal kina James DeBarge at Rene Elizondo Jr, sa Qatari businessman noong 2012. Isinilang nitong Enero ang kanilang anak na si Eissa, na tatlong buwang gulang na ngayon.

“Our wedding gifts to one another were contributions to our respective favourite children’s charities,” saad ng dating magkasintahan noong 2013.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Kilalang pribado sa buhay-pamilya sina Al Mana at Jackson, 50. Noong Oktubre, ekslusibong ibinahagi ng Dammn Baby songstress ang kanyang baby-bump photo sa People upang kumpirmahin ang kanyang pagbubuntis.

“We thank God for our blessing,” saad ng star sa People.

Nitong Pebrero, isang source ang nagsabi sa People na si Jackson at kanyang baby boy ay “really good,” at maligaya siya sa kanyang pagiging ina.

Namataan ang singer sa kanyang shopping trip sa London pagkaraan ng halos tatlong linggo simula nang isilang niya si Eissa, at sabi sa People ng isa sa mga nakakita sa kanya, “Janet looked great. She was in the shop for around half an hour and just went about her business. She was really relaxed and healthy.”

“She didn’t look tired at all,” pagpapatuloy ng nakakita kay Janet. “She just looked around at some little socks and various other knickknacks and then went on her way.” (People.com)