WALANG dahilan para hindi makalikha ng ingay si Filipino fighter Kevin “The Silencer” Belingon sa kanyang duwelo kontra Toni “Dynamite” Taurus sa undercard ng ONE: KINGS OF DESTINY sa Abril 21 sa MOA Arena.
Paiba-iba ang kapalaran ng 28-anyos Team Lakay member mula sa Baguio City mula ang magsimula ng career sa pinakamalaking MMA promotion sa Asya may limang taon na ang nakalilipas.
Naitala ni Belingon, Wushu Sanshou practitioner, ang kahanga-hangang debut noong Oktubre 2012 nang patulugin si Russian Yusup Saadulaev sa first round ng kanilang duwelo.
Sinundan niya ito ng dominanteng second round win kontra Australian stalwart Than Vu noong April 2013.
Tuluyang nakilala sa mundo ng MMA ang tinaguriang “The Silencer” nang ma-knockout si David Aranda Santacana noong December 2013. Kung makakakita ng oportunidad tatapusin niya si Taurus sa mabilis na paraan.
“Of course, I want that finish. I am always looking for that. If there’s an opening to get the knockout or submission, I will go for that in a split second,” pahayag ni Belingon.
Sa kanyang huling laban, naiba ng taktika si Belingon, ngunit nakuha niya ang unanimous decision win kontra Muin Gafurov sa nakalipas na taon.
“I wanted to finish Gafurov, but that’s not how the fight went. I needed another way to defeat him,” aniya.
“I always want to give fans an exciting fight and a good finish. Unfortunately, they didn’t have that in my last fight against Gafurov. In my upcoming fight, I’m going to give my best. You will see fireworks on April 21st.”
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.onefc.com o sundan ang ONE FC sa Twitter at Instagram @ONEChampionship.