MAS lumalaki at tumatatag ang pamilya ng Tanduay Athletics at inaasahang paiigtingin ang samahan ng pagkakaibigan sa pagpalo ng 4th Chairman Kap – ang taunang golf invitational bilang pagbibigay-pugay kay Dr. Lucio C. Tan na tanyag bilang ‘El Kapitan’ – ngayon sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong City.

“This annual fellowship is one way to recognize all the hard work my father has done for the Company. We also recognize that all these would not have been possible without friends and partners who have been with us through the years,” sambit ni TDI President Lucio ‘Bong’ Tan, Jr.

“And Chairman Kap is the perfect venue to share what we hope to accomplish with Tanduay Athletics,” aniya.

Bunsod ng pagmamahal sa sports, binuo ni Tan ang Tanduay Athletics para mabigyan ng pagkakataon ang mga atletang Pinoy na umunlad sa sports na kanilang kinabibilangan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Gagamitin ang System 36 sa torneo na pangangasiwaan ni tournament chairman at multi-titled golf internationalist Gerard Cantada. Naghihintay ang malalaking papremyo, kabilang ang Usana products, gift certificates, gadget at round trip tickets mula sa PAL sa mga kalahok sa gaganaping awarding ceremony.