MAY naghihintay na pagkakataon kay Pinay fighter Gina ‘Conviction’ Iniong na matupad na matagal nang pangarap – makaduwelo si ONE women’s atomweight champion Angel ‘Unstopple’ Lee.

Ipinahayag ng ONE, pinakasikat at pinakamalawak na MMA promotion sa Asya, ang pagkuha kay Iniong mula sa free agency market para madagdagan ng world-class fighter ang ONE.

Miyembro ng Team Lakay ng Baguio City ang 27-anyos na si Iniong tangan ang professional MMA record na 4-2.

Kabilang sa panalo ng 5-foot-2 atomweight standout kontra kina French fighter Nathalie Heidel at Japanese veteran Mei Yamaguchi.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa kanyang huling laban sa pangangasiwa ng regional MMA promotion nitong Enero, naitala niya ang dominanteng panalo kontra Spanish combatant Vanessa Rico Fernandez.

Bunsod nito, isinama si Iniong sa undercard para sa ONE: KINGS OF DESTINY sa Manila sa Abril 21. Makakaharap niya si Fil-Am Nathalie Gonzales Hills sa three-round atomweight contest.

Ayon kay Iniong, gagawin niya ang lahat para manalo at makaakyat sa ranking upang makaharap ang pamosong si Lee sa isang championship duel.

“It has been considered for more than two years as a dream match-up. Now, it’s possible to happen because I am now part of the ONE Championship roster,” pahayag ni Iniong.

“Of course, I want to face Angela Lee for the belt. It’s one of my main goals in this organization.”

“This fight might be the door to a world title fight. You will never know if your next fight will be a title fight. I will just give my 100 percent for this bout,” aniya.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.onefc.com, gayundin ang Twitter at Instagram @ONEChampionship.