Dinumog ng mga turista ang enggrande at makulay na pagdiriwang ng 17th Dinamulag Festival sa People’s Park sa Iba, Zambales, kahapon.
Sinabi ni Zambales Gov. Amor Deloso na sa pamamagitan ng taunang selebrasyon ay naipamamalas ang kasiyahan ng mga taga-lalawigan sa masaganang ani ng itinuturing na pinakamatamis na mangga sa bansa.
“Kilala ang Zambales hindi lamang sa biyayang tinamasa namin bilang may pinakamalinis at ‘tila walang katapusang dalampasigan sa buong bansa, kung hindi lalo na para sa aming pinakamatamis na mangga sa mundo. Ito ang ipinagmamalaki at likas na ani ng aming lalawigan na Dinamulag,” ani Deloso.
Tampok din sa selebrasyon ang iba’t ibang produktong malilikha mula sa Dinamulag ng Zambales, gaya ng candy, minatamis at jam. (Beth Camia)