CEBU CITY – Nasa 136 na bilanggo sa Cebu City jail ang nagpositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) at tuberculosis.

Sa record na isinumite ni City Jail Warden Arnel Peralta sa pamahalaang lungsod, 88 sa 136 na bilanggong HIV-positive ang kasalukuyang ginagamot habang 45 ang para sa follow-up assessment. Tatlong iba pa ang tumangging magpagamot.

Nasa 32 bilanggo naman ang may tuberculosis, 18 sa kanila ay may pulmonary tuberculosis (PTB) 1, lima ang may PTB 2, walo ang may multi-drug resistance, at isa ang extremely drug resistant o hindi tinatablan ng gamot.

Sinabi ni Councilor David Tumulak, chairman ng City Council committee on peace and order, na kinakalap pa ang kumpletong detalye ng sitwasyon.

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental

Aniya, hindi nakahiwalay ang nasabing bilang ng mga bilanggo dahil ipinagbabawal sa Philippine Aids Prevention and Control Act (RA 8504) ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga may HIV/AIDS o sa mga hinihinalang apektado nito. (Mars W. Mosqueda, Jr.)