Inabsuwelto ng Sandiganbayan ang isang dating heneral ng Philippine National Police kaugnay sa maling pagdedeklara ng housing loan nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) noong 1998-2003.

Sa 25 pahinang desisyon ng 4th Division ng anti-graft court, hindi napatunayang nagkasala si dating Chief Superintendent Danilo Mangila sa reklamong perjury nang ideklara nito sa kanyang SALN ang P4,448,00 utang sa Government Service Insurance System (GSIS).

Nilinaw ng GSIS na hindi kumuha ng housing loan si Mangila at wala rin itong utang bukod sa isang lupain nito sa Lagro Subdivision na kanya nang nabayaran.

Ayon sa korte, ‘honest mistakes’ at ‘unintentional’ ang deklarasyon ni Mangila dahil ang naghanda nito ay ang kanyang kalihim. (Rommel P. Tabbad)

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya