Inamin ni Kapamilya star Joshua Garcia na hindi pa rin umano siya komportable sa mga love scene kahit mahigit isang dekada na siya sa industriya.
Sa ginanap na Star Magic Spotlight Presscon kamakailan, sinabi ni Joshua na humihirit umano siya sa cameraman na iwasang mahagip ang tiyan niya.
“Uncomfortable talaga kasi, showing your body? Ang hirap no’n ha! Every time na may love scene ako, kinakausap ko ‘yong mga cameraman namin. Sasabihin ko sa kanila, 'Uy, iwasan mo ‘yong tiyan ko ha?'” saad ni Joshua.
Dagdag pa niya, “Gagawin niya [ng cameraman] naman kahit naririnig ko si direk, 'Ibaba mo pa ‘yong camera, ‘yong angle mo, ibaba pa.' ‘Yong cameraman matibay siya, hindi niya talaga binababa. So, kapag gano’ng scene, dinadaan ko muna sa mga cameraman.”
Ayon kay Joshua, malaking salik umano ang pagiging bukas ng dalawang aktor para gumana ang eksena, tulad ng intimate scene nila ni Kapamilya sexy actress Ivana Alawi sa "Love Is Never Gone."
"No’ng umpisa pa lang,” anang aktor, “kita ko na rin talaga sa kanya na sobrang open niya sa mga eksena, like, siya pa mismo ‘yong nagsasabi kay direk na 'direk, anong gusto mong gawin dito?' Talagang kita ko ‘yong focus niya sa ginagawa niya.”
Matatandaang sa ginanap na press conference ng “Love Is Never Gone” noong Abril, ni-rate ni Ivana ng 10 ang halik ni Joshua sa kaniya.
"Ten,” sagot ni Ivana. “Kasi nakita n’yo, siya ‘yong talagang grabe….Ang laki ng bibig niya.”
“Ta’s sabi ko, ‘Hoy, grabe kang sumipsip! ‘Yong lipstick ko nawawala.’ Ayun, okay naman. Magaling, magaling siya,” dugtong pa niya.
Sabi ni Ivana, tagumpay nilang nagawa ang kissing scene nila ni Joshua sa gabay ng direktor ng serye na si Emmanuel Quindo Palo.
Maki-Balita: Ivana, windang sa halik ni Joshua: 'Grabe kang sumipsip!’