Ni NORA CALDERON

Alden Richards
Alden Richards
NANG lumabas ang balitang sold out na ang Upsurge concert ni Alden Richards sa Kia Theater sa May 27 kaya wala nang chance na makapanood ang ibang AlDub Nation na hindi agad nakabili ng ticket, agad napuno ng inquiry ang Facebook page ng GMA Records na siyang producer ng concert.

Nang makausap namin ang isang taga-GMA Records, ang dami nga raw nagtatanong kung hindi sila magkakaroon ng repeat ng concert. 

Maging sa amin ay marami ang nagtatanong kung bakit napakabilis namang naubos ang tickets. May friends pa kaming nasa abroad na isinabay ang bakasyon dito para makapanood ng concert ni Alden. Ang iba nga, manonood daw muna ng “Kalyeserye sa US” sa April 9 sa Pasadena Auditorium sa Los Angeles, California at sa April 12 sa New York City. Pero wala naman na nga silang mabibiling tickets pag-uwi rito. 

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

May possibility ba na magkaroon ng repeat ang concert?

“Hindi pa namin alam kung possible na magkaroon ng repeat, depende iyon sa availability ng Kia Theater,” sabi ng kausap namin. “Pero ita-try namin kung makakakuha kami ng date.  At kung p’wede rin si Alden dahil pagbalik nila rito ni Maine (Mendoza) from their concert abroad with the lolas, balik-taping agad sila ng teleserye nilang Destined To Be Yours at puno rin and schedules niya.  Meron pa siyang show sa April 20 for SMDC.  But we will try our best na mapagbigyan ang mga requests ng fans.  Salamat sa kanilang lahat.”