Sinikap ng Beijing na pahupain ang tensiyon sa United States at piniling maging positibo nitong Biyernes sa pagpuna ng US administration sa China sa mga isyu ng negosyo, ilang araw bago ang unang pulong ni Chinese President Xi Jinping kay US President Donald Trump.

Ipinakita ni Trump kung ano ang posibleng mangyari sa pagpupulong sa kanyang Mar-a-Lago retreat sa susunod na linggo sa pag-tweet ng Pangulo nitong Huwebes na hindi na kayang tiisin ng Amerika ang malawakang kakulangan sa kalakalan at pagkawala ng mga trabaho.

Inihayag ni Trump na magiging “very difficult one” ang inaabangang pulong, na inaasahang tatalakayin ang tensiyon sa North Korea at ang ambisyon ng China sa South China Sea.

Internasyonal

Pinakamainit na temperatura ng mundo, posibleng maitala ngayong 2024