BUENOS AIRES (AP) – Inaprubahan ng Senado ng Argentina ang panukalang batas na ginagawang legal ang paggamit ng cannabis oil at anumang nanggaling sa marijuana para gamitin sa medisina, at naglatag ng mga polisiya para sa pagrereseta at pamamahagi nito sa mga pasyente.
Nililikha rin ng batas na inaprubahan ng mga senador nitong Miyerkules ang medical marijuana research program sa Health Ministry, na naggagarantiya ng “free access” sa cannabis oil at iba pang marijuana derivatives sa mga pasyenteng kasali sa programa. Nauna itong inaprubahan ng Chamber of Deputies.