July 27, 2026

Home BALITA Probinsya

Fruit vendor, nahubaran at nakita ang 'birdie' habang inaaresto dahil sa pagtitinda

Fruit vendor, nahubaran at nakita ang 'birdie' habang inaaresto dahil sa pagtitinda
Photo ocurtesy: Contributed photo

Nakasuporta ang Commission on Human Rights (CHR) kung sakaling tuluyang magsampa ng reklamo ang isang lalaking fruit vendor hinggil sa umano’y agresibong pag-aresto sa kaniya hinggil sa ilegal na pagtitinda sa gilid ng kalsada sa Cebu City.

Mapapanood sa nag-viral na video na halos mahubaran na ng damit ang naturang video dahil sa pagpupumiglas niya sa pag-aresto sa kaniya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang bumuka ang suot niyang shorts dahilan upang lumawit ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Depensa ng lokal na pamahalaan ng Cebu, ginagawa lamang umano ng mga tauhan nila ang kanilang trabaho upang mapanatili ang kaayusan sa mga lansangan at tuluyang mapagbawal ang ilegal na pagtitinda sa daan.

Samantala, itinanggi naman ng fruit vendor na siya ang nagsilbing impormant ng kapwa niya mga tindero habang paparating ang mga aaresto at magpapaalis sa kanila sa pagtitinda.

Aminado rin siyang nakainom umano siya subalit hindi raw sa kaniya nagsimula ang gulo. Matapos maaresto ay pinakawalan din ng mga awtoridad ang lalaki.

Probinsya

Number coding, hindi suspendido sa SONA—MMDA

Muli namang pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang publiko na mahigpit nilang ipinapatupad ang ordinansang nagbabawal sa kahit na sino na magtinda sa mga gilid ng daan na nagdudulot umano ng abala sa mga motorista at pedestrian.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang ulat ng nakapagpasya na ang fruit vendor sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa mga operatiba.