Simula noong Sabado, Hulyo 18, ikinasa na sa bansa ang ika-59 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Foreign Ministers’ Meeting and related conferences na may temang “Navigating Our Future, Together.”
Kasalukuyang ginaganap ang serye ng mga dayalogo sa Metro Manila, kasabay ang pagiging ASEAN Chair ng Pilipinas para sa taong 2026.
Gayong nagpapatuloy ang mga pagpupulong na ito, ano nga ba ang inaasahan sa mga dayalogong magaganap sa susunod na apat na araw?
Ayon sa impormasyong inilatag ng ASEAN 2026 PH, sesentro ang mga diskusyon sa susunod na apat na araw sa usaping may kinalaman sa regional cooperation, peace, stability, at shared prosperity.
MARTES, HULYO 21
Inaasahang magsasama-sama sa isang pagpupulong ang ASEAN Foreign Ministers sa Manila para sa 59th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting.
MIYERKULES, HULYO 22
Makakadayalogo ng ASEAN countries ang 11 dialogue partners nito mula sa iba’t ibang panig ng mundo—India, Amerika, Canada, Russia, China, Republic of Korea, Japan, Australia, New Zealand, United Kingdom, at Europian Union.
HUWEBES, HULYO 23
Ikakasa sa araw na ito ang 27th ASEAN Plus Three (APT), 33rd ASEAN Regional Forum (ARF), at 16th East Asia Summit-Foreign Ministers’ Meeting (EAS).
BIYERNES, HULYO 24
Inaasahang lalagda ang panibagong mga bansa sa Treaty of Amity and Cooperation sa SEA.
Magaganap din ang first-ever High-Level Conference of all High-Contracting Parties sa nabanggit na araw.
Kasunod nito, pangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang isang Gala Dinner sa Malacañang Palace.