July 26, 2026

Home BALITA Probinsya

VP Sara, pinasasagot sa Senado ang gastos sa pagkain ng defense team niya!

VP Sara, pinasasagot sa Senado ang gastos sa pagkain ng defense team niya!
Photo courtesy: OVP/FB

Pinapapasan umano ni Vice President Sara Duterte sa Senado ang gastusin sa catering services ng kaniyang defense team para sa impeachment trial laban sa kaniya.

Batay sa dokumentong inilathala ng Super Radyo DZBB 594khz nitong Miyerkules, Hulyo 22, 2026, mababasa ang liham na ipinadala ni VP Sara sa tanggapan ni Senate President Sherwin Gatchalian hinggil dito noong Hulyo 7, 2026.

Sa naturang liham, nakasaad ang umano'y tatlong hiling ni VP Sara para sa kaniyang defense team, partikular na ang pagkain at inumin nila.

"All food and beverage intended for the members of the defense team, support staff, and witnesses shall be served exclusively in their designated holding room," saad ng unang request ni VP Sara.

Mababasa rin sa nasabing dokumento na binigyang-diin ni VP Sara na tanging ang accreddited catering services lamang ng Office of the Vice President (OVP) ang dapat na mag-aayos umano ng pagkain ng defense team niya.

Probinsya

Tatay at kapatid, rumesbak sa away ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan!

"To address legitimate security concerns and to provide the necessary level of assurance to all concerned personnel and witnesses, all food and beverage shall be sourced, prepared, and served exclusively by the OVP's accredited caterer," ani VP Sara sa liham.

Habang sa ikatlong bahagi naman ng liham, nakasaad ang kahilingang nagsasabing bayaran ng Senado ang catering services sa defense team ni VP Sara.

"The OVP respectfully requests that the Senate shoulder the reasonable costs of food and beverage and catering services for the defense team, support staff, and witnesses," anang dokumento.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag ang Senado at maging ang kampo ni SP Gatchalian hinggil sa naging tugon nila sa hiling ng Pangalawang Pangulo.

MAKI-BALITA: Sec. Renato Bantug, inispluk dahilan ng pagbisita ni Atty. Zuleika Lopez sa Senado