July 23, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Friendship burnout?' Mga senyales na nakakapagod na ang pagkakaibigan ninyo

Friendship burnout?' Mga senyales na nakakapagod na ang pagkakaibigan ninyo
Photo courtesy: Unsplash

Kung may “burnout” sa trabaho o pag-aaral, kung saan hindi na sapat ang ilang araw na “eight hours of sleep,” self-care, at bakasyon, dahil sa patong-patong na sintomas at senyales ng stress, mayroon ding tinatawag na “friendship burnout,” na hindi kalimitang nabibigyang-pagkilala ngunit nararamdaman ng ilang tao. 

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga senyales na nakararanas na ng ‘burnout’ sa trabaho

Sa ilang pag-aaral, ang “friendship burnout” ay isang pangyayari kung saan, dahan-dahang bumabalot ang “sense of guilt” sa isang tao dahil sa bigat nitong nararamdaman para sa kaibigang pinangangalagaan. 

Dito ay nagkakaroon ng pakiramdam ng pagkabalisa dahil sa kagustuhang umiwas sa partikular o grupo ng kaibigan dahil sa iba’t ibang kadahilanan tulad ng stress, mga alitang hindi pa lubusang napag-uusapan, expectations na hindi maabot, o kaya’y kakulangan ng balanse sa relasyon. 

Upang mas maging maagap sa sarili bago tuluyang malugmok sa “friendship burnout,” narito ang ilang senyales na mahalagang bantayan: 

Human-Interest

Madumi ba talaga ang ‘dirty ice cream?’

Pakiramdam na “one-sided” ang pagkakaibigan 

Itinuturing itong pinakamalinaw na senyales ng “friendship burnout”’ dahil madalas, nadi-drain ang isang tao matapos niyang paglaanan ng oras ang isang indibidwal o grupong itinuturing na kaibigan. 

Pumapasok dito ang pagbaba ng kumpiyansa sa sarili o kaya’y pagkakaroon ng ilang sintomas ng depression tuwing magkasama imbis na maging masaya kaya hindi napapantayan ang enerhiyang ibinibigay ng kaibigan. 

Unti-unting pagkawala ng positibong emosyon 

Dito pumapasok ang “emotional overload” kung saan ang nakakaramdam ng burnout ay nagiging kaibigan na laging nakikinig, laging nagpapayo, laging rumeresolba sa problema ngunit hindi ito nasusuklian. 

Ang timbang nito ay unti-unting bumibigat hanggang sa mamanhid na ang kaibigang nakakaramdam ng burnout. 

Pangingibabaw ng pagkakonsesya 

Ang pagkakaroon ng konsensya o guilt ang nagsisilbing pangunahing dahilan upang ipagpatuloy ang pakikipagkaibigan at koneksyon imbis na pagmamahal. 

Pag-iwas sa interaksyon 

Dahil sa konsensya at bigat na nadarama sa pagkakaibigan, pinipiling umiwas ng nakakaramdam ng friendship burnout, gayundin sa pakiramdam ng pagkabalisang dala ng badyang nasisira nang relasyon. 

Dagdag na pagkakaiba sa mga paniniwala

Dito pumapasok ang pagkakaroon ng lamat sa koneksyon kung saan maaring ang isang kaibigan ay umaasa sa mas mahabang usapan ngunit ang burnout na kaibigan ay pinipili ang “small talks” o mas mabilis na usapan, o kaya’y maling pag-priotize ng isa sa pagkakaibigan habang ang isa ay itinuturing itong “sideline” lamang. 

Sa kabila ng mga senyales na ito, ipinapaalala sa iba’t ibang pag-aaral na ang friendship burnout ay hindi kawalan ng pagmamahal ngunit isang pangitain na ang emosyon ay nangangailangan na ng espasyo at balanse.