July 23, 2026

Home BALITA Internasyonal

90-anyos Pinay Nikkei, nakuha ulit kaniyang Japanese citizenship ilang dekada matapos ang WWII

90-anyos Pinay Nikkei, nakuha ulit kaniyang Japanese citizenship ilang dekada matapos ang WWII
Photo courtesy: Japan Daily (FB)

Muling nabawi ng isang 90-anyos na Pinay Nikkei ang kaniyang Japanese citizenship 81 taon matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig sa Pilipinas. 

Sa website ng Philippine Nikkei-jin Legal Support Center (PNLSC), nakatala na si Adelaida Kakazu ay naninirahan sa Batangas kasama ang kaniyang apong babae. 

Saad pa sa website, napanood ng apong lalaki ni Kakazu ang dokumentaryong “Japinoy” ng GMA, na naging daan upang tawagan nito ang PNLSC upang magpatulong na muling ibalik ang Japanese citizenship ng kaniyang lola. 

Samantala, ang ama naman ni Kakazu, na kinilalang si Noboru Kakazu, ayon sa international media, ay nagmula sa Okinawa, Japan. 

Bagama’t ilang dekada na ang nakararaan, ibinahagi rin ng PNLSC na naaalala pa rin ni Adelaida ang mga pangyayari sa kaniyang pamilya noong ikalawang digmaang pandaigdig. 

Internasyonal

Mayor Mamdani, sang-ayong arestuhin si PM Netanyahu

Kasabay nito, nakapagtabi rin si Adelaida ng maraming litrato at liham mula sa kaniyang ama. 

Saad naman sa ulat ng ilang international media, si Noboru ay nahuli ng US military noong kasagsagan ng giyera at sapilitang pinabalik sa Japan, kung saan siya ay pumanaw nang hindi na muling nakita ang kaniyang anak na si Adelaida.

Sa kaugnay na ulat, ang Nikkei ay tumutukoy sa mga migranteng hapon at kanilang mga supling na nakabuo ng komunidad sa iba’t ibang parte ng mundo.