July 20, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Madumi ba talaga ang ‘dirty ice cream?’

Madumi ba talaga ang ‘dirty ice cream?’
Photo courtesy: Wikimedia Commons/website


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Pilipinas ay isang tropical country.

Dahil dito, hindi na bago ang warm at humid na panahon sa nasabing bansa.

Kung kaya’t tanyag sa Pilipinas ang ilang pagkaing pamawi ng init—gaya na lamang ng sikat na sklat at pamatid-init na halo-halo.

Pero kung usaping malamig na pagkain, tiyak paborito rin ng marami ang sorbetes o dirty ice cream!

Ano nga ba ang dirty ice cream?

Human-Interest

Friendship burnout?' Mga senyales na nakakapagod na ang pagkakaibigan ninyo

Ayon sa pahinang Gourmet’s Art, ang dirty ice cream ay tinatawag ding “Flavor of the Road.”

Gawa ang ice cream na ito sa gatas ng baka o kaya naman ay sa coconut milk.

Madalas itong ibinebenta ng mga sorbetero sa iba’t ibang kalye sa Pilipinas gamit ang isang bisikleta o push cart.

Paliwanag naman ng Flip Science, ang ibang bersyon ng sorbetes ay gawa sa gatas ng kalabaw—na hinahaluan ng keso, tsokolate, ube, mangga, o kaya naman ay langka.

Pero bakit nga ba ito tinawag na dirty ice cream? Marumi ba ito?

Batay sa mga nabanggit na source, hindi marumi ang dirty ice cream o sorbetes.

Base sa paliwanag ng mga ito, tinawag itong dirty ice cream dahil sa “rough texture” nito.

Dagdag pa, marahil ay resulta raw ito ng nosyong nagsasabing ang mga produktong ibinebenta sa kalye—tulad ng sorbetes—ay marumi.

Isa rin daw sa mga dahilan ay ang “exposure” nito sa mga polusyon at dumi sa mga dinaraanang kalye habang ito ay umiikot para maibenta.

Gayunpaman, hindi naman ipinagbabawal ang pagbebenta ng sorbetes, sa kabila ng nga nosyong ito—patuloy ang pagbebenta ng mga sorbetero ng sorbetes na paborito ng marami, partikular na ang mga kabataan.

Ano pa man ang namumutawing usap-usapan tungkol sa sorbetes, hindi maikakailang bahagi na ito ng kultura ng bansa—at isa ito sa mga pagkaing paborito ng maraming Pilipino.