July 23, 2026

Home BALITA National

Kahit ma-cancel: Harry Roque, nagpasalamat kay Joshua Garcia sa pagiging DDS!

Kahit ma-cancel: Harry Roque, nagpasalamat kay Joshua Garcia sa pagiging DDS!
Photo courtesy: Harry Roque (FB)/MB File Photo

Nagbigay ng mensahe ng suporta si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque kay Kapamilya star Joshua Garcia, kasunod ng batikos na inani nito sa social media dahil sa umano'y pagre-repost ng isang pro-Vice President Sara Duterte na video sa TikTok.

Sa isang Facebook post, pinuri ni Roque ang aktor dahil umano sa hindi nito pagtatago ng kaniyang pinaniniwalaang paninindigang pampulitika sa kabila ng posibilidad na makatanggap ng matinding kritisismo. Nag-iwan si Roque, na isang Duterte supporter, para sa mga Kakampinks, na tawag sa mga tagasuporta ni dating Vice President at ngayon ay Naga City Mayor Leni Robredo.

"Kakampinks, huwag na kayong ma-i-stress kay Joshua Garcia," aniya.

"In an industry where showing support to Inday Sara Duterte could invite cancellation, Joshua refuses to hide his political convictions."

"Daghang salamat, Joshua, for choosing integrity over manufactured image. Such conviction as yours is rare and such courage as yours too deserves respect," ani Roque.

National

Atty. Taran ng KWF, panatag sa epekto ng AI data centers sa mga katutubong wika

Photo courtesy: Screenshot from Harry Roque (FB)

Matatandaang naging usap-usapan si Joshua matapos mapansing na-repost umano sa kanyang TikTok account ang isang fan-made video na nagpapakita ng suporta kay VP Sara sa gitna ng impeachment proceedings laban dito. Naglalaman din umano ang naturang video ng mga pro-Duterte hashtags at mga mensaheng kumukutya sa kampo ng prosekusyon.

Maki-Balita: Joshua Garcia, iniintrigang 'DDS' dahil sa reposted video

Dahil dito, umani ng sari-saring reaksiyon ang aktor sa social media, kung saan maraming netizens ang nagtanong tungkol sa kanyang umano'y paninindigang pampulitika. Kasabay rin nitong kumalat ang mga screenshot na nagpapakitang sinusundan umano ni Joshua sa Instagram sina VP Sara at Sen. Alan Peter Cayetano.

Sa gitna ng lumalaking kontrobersiya, napansin naman ng mga netizen na tila hindi na kasama sa following list ng Instagram account ni Joshua sina Duterte at Cayetano.

Maki-Balita: Nabuking na DDS: Joshua Garcia, bigla raw inunfollow sina VP Sara, Sen. Alan

Bagama't walang opisyal na paliwanag ang aktor, marami ang nag-isip na maaaring ginawa niya ito kasunod ng matinding backlash na natanggap niya online.

Samantala, ipinagpatuloy ni Roque ang pagtatanggol sa aktor sa pamamagitan ng pag-share ng mga ulat patungkol sa kaniyang mensahe kay Joshua.

Ang isa pang Duterte supporter na si Sen. Robin Padilla, nag-share pa ng isang video clip mula sa isang pelikulang pinagsamahan nila ni Joshua.Maki

Maki-Balita: Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?

Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling tikom ang bibig ng kampo ni Joshua tungkol sa isyu.