Trending sa X ang Kapamilya star na si Joshua Garcia matapos maispatan ng mga netizen ang nirepost niyang video sa TikTok kamakailan.
Photo courtesy: Screenshot from X
Pinuputakti ng mga netizen sa X ang screenshot ng "resibong" ni-repost ng Kapamilya heartthrob ang isang TikTok video mula sa isang netizen na tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, tungkol sa naganap na impeachment trial nito.
"MY FAVORITE HIGHLIGHTS FROM SARA’S IMPEACHMENT TRIAL (DAYS 1-3)," mababasa sa post ng nabanggit na netizen, na may hashtags na #saraduterte, #vpsara, #prrd, #dds, at #duterte.
Ang nabanggit na video ay inupload ng netizen noon pang Hulyo 11, at nasa 6.5M views na, na nagtatampok sa highlights ng impeachment trial. Itinampok din sa video ang ilang mga counsel mula sa defense at prosecution team na sumalang sa mga araw ng trial kagaya nina Atty. Sheila Sison, Atty. Carlo Narvasa, Atty. Virgil Ligutan, at Atty. Gerville Luistro.
Photo courtesy: Screenshot from Joshua Garcia (TikTok)
Sa mismong comment section, napatanong ang ilang mga netizen kung "DDS" ba o Diehard Duterte Supporter si Joshua.
"Joshua Garcia is DDS?" tanong ng isa.
"Kadiri nuh?" banat naman ng isa.
Isang netizen naman ang nagtanggol sa kaniya, "Dds agad?? Di ba pede aware lang sya sa current events??"
Pahayag naman ng isa, "Matagal na yang DDS HAHAHA."
Photo courtesy: Screenshot from Amor Powers (TikTok)
Hanggang sa X nga, pinulutan na nga ito ng mga netizen at binakbakan. Isa na nga rito ang isang X user na si "Auntie Selina."
"Genuine question: D//DS ba si Joshua Garcia? Nakita ko lang sa Tiktok. Tuwang tuwa mga D/DS sa kanyang nirepost na pro SWOH. Lol," tanong nito.
Photo courtesy: Screenshot from Auntie Selina (X)
Narito pa ang ilan sa mga himutok at reaksiyon ng netizens:
"kaya pala never ko nagustuhan si joshua garcia."
"Correct me if I'm wrong pero Joshua Garcia was silent during the shutdown of his home network ABS-CBN. Is this bcos he is a silent DDS all this time? Shame. Never nako manunuod ng movie nyan for sure. Sayang magaling pa naman na artista."
"hindi ko talaga gets mga tao diyan kay Joshua Garcia....."
"DDS SI JOSHUA GARCIA?!"
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Joshua o maging ng talent management na nagha-handle sa kaniya. Bukas ang Balita sa kanilang panig.