July 26, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Nabuking na DDS: Joshua Garcia, bigla raw inunfollow sina VP Sara, Sen. Alan

Nabuking na DDS: Joshua Garcia, bigla raw inunfollow sina VP Sara, Sen. Alan
Photo courtesy: Joshua Garcia (FB)/MB File Photo

Usap-usapang napansin ng mga netizen tila hindi na umano fina-follow ni Kapamilya star Joshua Garcia sa Instagram account niya sina Vice President Sara Duterte at Sen. Alan Peter Cayetano, isang araw matapos siyang intrigahing umano'y "DDS" o Diehard Duterte Supporter.

Batay raw sa kasalukuyang Instagram account ng aktor, hindi na makikita sa kaniyang following list ang accounts nina Duterte at Cayetano.

Matatandaang naging trending sa X si Joshua matapos mapansin ng ilang social media users ang umano'y pagre-repost niya ng isang TikTok video na may kaugnayan sa impeachment ng Bise Presidente, na ginawa naman ng isang Duterte supporter.

Patuloy namang hati ang opinyon ng publiko. May mga nagsasabing hindi dapat gawing batayan ng paninindigang pampulitika ang listahan ng mga sinusundan ng isang tao sa social media, habang may ilan namang naniniwalang bahagi ito ng pampublikong imahe ng isang celebrity.

May mga nagtanggol din kay Joshua at sinabing hindi raw dapat i-discredit ang pagiging mahusay na aktor nito, lalo't isa siya sa mga pambatong leading men ng Kapamilya Network, at hindi basta-basta nawawalan ng proyekto.

Tsika at Intriga

Joy Barcoma, kinawindangan sa 'chinuchunap' niya

Sa ngayon, nananatiling tahimik ang kampo ni Joshua habang nagpapatuloy ang usapan ng mga netizen tungkol sa isyu.

Maki-Balita: Joshua Garcia, iniintrigang 'DDS' dahil sa reposted video